Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ping for President, Rey Marfil for Romblon gov?

0 174

Hindi maipagkakaila na unti-unti nang nauunawan ng mga pangkaraniwang mamamayan ng bansa ang mga programang kaakibat ni Ping Lacson sa kanyang hangarin na pamunuan ang Pilipinas sa susunod na anim na taon sakali mang palarin na maipanalo ang Presidential elections sa Mayo sa susunod na taon.

Marami ang nagsasabing pagdating sa actual ground ay tumatatak na sa kanila ang pangalang Ping Lacson kapag ang 2022 Presidential elections ang pinag-uusapan, tumatatak dahil nagiging klaro na sa kanila ang mga solusyon na alok ng senador sa mga kinakaharap na problema lalo na ng pandemya sa COVID-19 na nagpalala sa kahirapan ng mamamayan.

Dalawa kasi ang tama ng mamamayan sa COVID-19, una ay ang mismong epekto nito sa kanilang kabuhayan bunga ng natigil o naunsiyaming trabaho matapos pairalin ang mahabang lockdown at higit dito ay ang korapsiyon sa bilyong pisong pondong dapat ay buong ibinabahagi sa mga apektado sa pamamagitan ng mga kagamitan, ayuda at serbisyo.

Sa mga darating na araw ay inaasahang ganap nang mabubuo na ang line-up nina Ping at Tito Sotto mula sa mga kandidato sa pagkasenador hanggang sa mga lokal na opisyales kaya marami na ang nag-aabang sa magiging opisyal na tala.

Hindi nakakapagtaka na ang magiging line up ni Ping sa mga lokal na posisyon ay magtaglay ng mga katangiang gaya ng kanyang baon, katangian na sumisimbolo sa bagong KKK na nangangahulugan ng Kakayahan, Katapatan at Katapangan.

Isa na rito ay ang pinag-uusapan na ng ilang netizens na tatakbo daw bilang gobernador ng lalawigan ng Romblon na si dating PCOO Undersecretary Rey Marfil na ngayon ay bossing namin dito sa Abante at Abante Tonite.

Si Usec Marfil ay may di-matatawarang rekord kung ang pag-uusapan ay ang anim na taong paglilingkod sa administrasyon ng yumanong si PNoy; hindi siya nasangkot sa anumang uri ng eskandalo, maganda ang relasyon sa media at nananatiling simple ang pamumuhay sa kabila ng naging impluwensiya.

Kung pag-uusapan naman ang pagtulong, marami na ring nagawa si Usec Marfil, pero kagaya ni Ping, hindi niya hilig na ipagmalaki ang mga ito at bagkus ay nananatiling tahimik lamang.

In fairness sa kasalukuyang gobernador ng Romblon na pinanggalingan rin ng inyong lingkod na gala, wala din namang nababalitang hindi maganda sa kanya, pero ‘yun nga lang, wala ring nagkukuwento sa akin ng maganda.

Sa personal kong pagkakaalam, naghahanda si Usec sa pagpasok sa larangan ng politika sa lalawigan na kanyang pinagmulan at maganda sigurong ikonsidera ng aming mga kababayan ang bagay na ito sa harap na rin ng katotohanang nais lang naman niyang ipadama sa Romblon ang kanyang puwedeng magawa.

Ayos ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.