Una sa Balita

Ping aprub sa pag-training ng PNP sa mga bagong recruit

0 270

TIWALA si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na mas magiging competent na ang puwersa ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa batas na maglilipat sa PNP ng pagsasanay sa mga bagong recruit.

Ang Republic Act 11279 ay ibinatay sa Senate Bill 1898 ni Lacson na nagsasaad na responsibilidad na ng PNP ang training sa mga bagong pulis.
“With the transfer to the PNP of the training­ of police recruits, we can strengthen the foundation of a competent police force not just physically but also mo­rally,” saad ni Lacson.

Sinabi ni Lacson na sa pamamagitan ng batas, mas mapapabilis ang internal cleansing ng liderato ng PNP.

Napansin ng senador na sa mga nakalipas na buwan, ilang pulis, karamihan ay non-commissioned ang sangkot sa mga heinous crime.

Lumitaw sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Lacson na ilang police officer ang sangkot sa krimen tulad ng bribery,­ extortion, kidnapping, illegal drugs, at maging­ ang pagtatanim ng ebidensya.

Sa ilalim ng bagong batas, ang Philippine National Police Acade­my na ang nagsasanay sa commissioned officer at National Police Training Institute – na nagsasanay sa non-commissioned officer ay ilalagay sa ilalim ng administrative at ope­rational supervision at control ng PNP. (Dang Samson-Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy