Una sa Balita

Pineke ang pagkamatay ng driver: Taxi operator, 1 pa timbog

By
0 6

Arestado ang isang negosyante at isang taxi operator dahil sa pamemeke nila sa pagkamatay ng isang taxi driver at pasahero nito para makakuha ng insurance na umaabot sa P400,000 matapos ang isinagawang entrapment operation ng Pasig police.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Chief Supt. Romulo Sapitula ang mga nadakip na suspek na sina Sherwin John Amposta, 43, negosyante, residente ng Bacoor, Cavite at Andres Fernandez, 45, taxi operator at nakatira sa Las Pinas City.

Ayon kay Sapitula, nadakip ang mga suspek noong Biyernes ng hapon matapos ang isinagawang entrapment operation ng pulisya habang kinukuha ng mga ito ang isang tsekee na nagkakahalaga ng P400,000 sa Robinsons Equitable Tower sa Ortigas Center ng nabatid na lungsod.

Abante Hiring – IT dep

Ayon naman kay Pasig City chief of police Sr. WSupt. Orlando Yebra Jr., ang pagkakaaresto sa mga suspek ay matapos ang inihaing reklamo ni Sherwin Lo, managing director ng SCCI Management and Insurance Corporation hinggil sa patuloy na pag-claim ng insurance benefits ng taxi driver na si Arsenio Gumapac at ang kapatid nitong pasahero naman ng minamanehong taxi na si Mario Gumapac.

Ang magkapatid ay naiulat na namatay sa isang vehicular accident nitong nakaraang Abril 29, 2017 sa San Andres, Quezon.

Base sa salaysay ng suspek na si Fernadez, na siyang may ari ng Toyota Vios taxi na minamaneho ni Arsenio Gumapac na namatay ito sa nasabing aksidente subalit sa isinagawang beripikasyon ng SCCI security consultant na si Willy Nuat, nalaman nila na wala umanong naganap na ganoong pangyayari at ang mga isinumiteng dokumento sa insurance company ay pawang mga peke umano kaya humingi na sila ng tulong sa pulisya na agad namang nagsagawa ng entrapment operation kung saan nadakip si Fernandez kasama ang negosyanteng si Amposta na nakapiit ngayon sa Pasig City PNP detention cell.