Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pineda, Sta. Lucia kayod para sa BVR

0 121

LEVEL UP na sa pag-eensayo para sa nalalapit na Beach Volleyball Republic on Tour sina Bang Pineda at ang kampo ng Sta. Lucia Lady Realtors.

Isang larawan ang ibinahagi ng Sta. Lucia sa kanilang social media pages matapos ang ginawang pagte-training ng koponan para sa torneo na gaganapin sa Oktubre 22-25 sa Santa Ana, Cagayan.

“Last leg of the preparations for the #BVROnTour2021 is now in full swing! Are you ready to cheer for our girls, Team Sta. Lucia? LET’S GO! #thisisSTALUCIA,” ayon sa koponan.

Bukod kay Pineda, hahambalos rin para sa Lady Realtors sina Glaudine Troncoso, Jackie Estoquia at DM Demontano.

Ilan sa mga makakalabang koponan ng Sta. Lucia sa first leg ng torneo ay ang Creamline beach volleyball team, Perlas Spikers, Black Mamba-Army Lady Troopers, Team Delimondo at Team PLDT. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.