Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pineda, Realtors patok

0 109

MAAGANG paborito ang dalawang team ng Sta. Lucia sa Gatorade 7th Philippine Super Liga (PSL) Beach Volley Challenge 2021 sa February 26-28 sa Subic Bay Freeport, Zambales.

Ito ay matapos pagsamahin ng Realtors ang pares ng beterana sa buhanginang sina Shiela Marie ‘Bang’ Pineda at Jonah Sabete sa Team 2, habang ang mga Ilongga na sina Dhannalyn Demontano at Jackielyn Estoquia para sa Team 1.

Nagpares na dati sina Demontaño at Estoquia sa Robles franchise at nag-quarterfinals finish sa Beach Volleyball Republic (BVR) On Tour sa Capitol Beachfront sa Pangasinan bago mag-pandemic.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hinati ang walong kalahok sa dalawang grupo kung saan kasama ng Realtors 2 sa Pool A ang F2 Logistics nina Jenny Mar Senares at Kyle Angela Gallego, Kennedy Solar Energy-Petro Gazz nina Ariane Luna Alarcon at Christina Canares, at ang Abanse Negrense nina Alexa Polidario at Erjan Magdato.

Kasama ng Sta. Lucia 1 asa Pool B ang United Auctioneer Inc. nina Ella Viray at Theresa Ramas, Abanse Negrense nina Jennifer Cosas at Gelimae Villanueva, at ang Toby’s Sports nina Jonah San Pedro at Jaen Sabas. (Angelito Oredo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.