Una sa Balita

Pineda, mga batang Gapo susulong

0 299

PAPAGITNA ang ang mga pambato ng Olongapo City sa pagtulak ng Lee-Ann Fidaire Inter School Rapid Chess Championship kiddies 12 years old and below free chess tournament sa Disyembre 15, Linggo, sa Mandaluyong City.

Ito ay kinabibilangan nina Jana Kris Pineda, Jace Oliver Fortin, Timothy Jherrick Fortin, Regina Coline Joy Pangilinan at Jury Fortin na suportado ni Joel Pineda.

Ang magkakampeon sa free chess tournament ay tatangap ng P5,000 sa one day rapid tournament na suportado ng ina ni Lee-Ann na si dating two-time World Chess Olympiad member Woman National Master (WNM) Cristina Santos-Fidaer.

Nakalaan sa 2nd place ang P3,000, habang maisusubi ng 3rd place ang P2,000, 4th hanggang 5th place ay tig-P1,000 habang ang 6th hanggang 20th place ay tig-P500.

May category prizes din na tig-P500 sa top 3 finishers ng 6, 8 at 10 years old and below.

May mapapanalunan namang P2,000 ang Best Coach o Most number School entries/participants o maging chess clubs at association.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy