Una sa Balita

Pineda, Ahomiro pumirma sa Cocolife Asset Managers

0 514

PAGKATAPOS ianunsyo ni Cocolife team manager Joshua Ylaya ang pag-alis ni Denden Lazaro sa kanilang koponan, masaya naman niyang ibinahagi ang pagsali nina Amy Ahomiro at Bang Pineda sa Asset Managers.

Matatandaang naging UAAP Season 77 Finals MVP para sa Ateneo si Ahomiro at naging medalist din sa kanyang professional volleyball career.

Ito rin ang unang beses na makakapaglaro si Ahomiro para sa Philippine Superliga.

Samantala, ang dati namang UAAP Season 76 women’s beach volleyball MVP na si Pineda ay naging bahagi naman ng Generika Lifesaver para masungkit nito ang third place para sa PSL All Filipino Conference 2018.

Inaasahan na magiging malaki ang kontribusyon nina Ahomiro sa net defense at Pineda para naman sa floor defense ng Cocolife. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy