Una sa Balita

Pinay volleybelles 0-5 sa Japan training camp

0 370

WRAP-UP na ang national women’s volleyball team mula sa 12-day training camp sa Japan para sa ­patuloy na preparasyon sa darating na 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

“Definitely marami kaming natutunan sa tune-up games,” pahayag ni coach Shaq Delos Santos mula sa panayam ng ABS-CBN. “Hopefully ma-absorb pa namin siya ng mabuti. Itutuloy namin ito pagdating sa Pilipinas.”

‘Di pinalad n manalo ang Team ‘Pinas sa five tune-up games laban sa Nittai University, Nippon Sports Science University gym at iba pa, marami naman silang binaong experience na tiyak na magagamit sa SEA Games.

“Nagkaroon ng improvement but it doesn’t mean na OK na. Kailangan pang ituloy ng ­ituloy hanggang sa dumating ang SEA Games,” ­punto ­Delos Santos. “‘Yun kasi ang unang-unang ­problema namin pagdating sa receive, ‘yung pasa especially doon sa end game. So ‘yun kailangan din naming i-develop yun.”

“May mga kailangan pa kaming ma-improve and hopefully makumpleto na kami para mas marami kaming magawa para sa team,” hirit niya.(Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More