Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinay violinist kampeon sa US

0 85

Nasungkit ng Pinay na si Kristine Clair Galano ang first place sa ginanap na Mary Lane Memorial Violin Competition sa United States.

Ginawad ng Women in Music-Columbus ang parangal kay Galano, na tubong-Dumaguete at iskolar ng University of Cincinnati College-Conservatory of Music, para sa kanyang patatanghal ng Paganini 21, Penderecki Capriccio para sa solo violin, at Wieniawski Polonaise No. 2 in A Major, Op. 21.

Pero bago ito, kinikilala na umano si Galano bilang nangungunang batang violinist ng kanyang henerasyon. Nakapagtanghal na siya sa loob at labas ng bansa tulad ng Europe, China, at United States kasama ang mga kilalang personalidad sa larangan ng musika.

SM food to go Banner Ad

Bukod pa rito, nagwagi na rin siya sa 2020 KF Wieniawski Violin Competition, Malaysian Youth Music Festival, Great Wall Violin Concerto Competition, at iba pang patimpalak.

Nag-debut na rin si Galabo sa Carnegie Hall noong Oktubre 2019 at nagtanghal ng 6 Bach solo sonata na sinimulan niyang i-master noong siya ay 10-anyos pa lang. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.