Una sa Balita

Pinay sinaksak sa Japan, patay

0 407

Isang 48-anyos na Filipina ang namatay matapos saksakin sa Japan noong Huwebes nang gabi, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa ulat ng Phili­ppine Embassy sa Tokyo, binawian ng buhay ang hindi pinangalanang babae, habang nasa hospital sa Hamamatsu noong Biyernes.

Tiniyak naman ni Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel sa pamilya ng biktima na makakamit ang hustisya sa pagkamatay ng Pinay.

Kinumpirma naman ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. na hawak na ng mga awtoridad ang suspek sa pagpatay sa Pinay.

“The suspect is now in the inexorable perfect Japanese criminal justice system and may God have mercy on his soul because his body is now in the custody of the most efficient state in the world along with Singapore,” ayon sa tweet ni Locsin nitong Sabado.