Una sa Balita

Pinay sa HK patay matapos atakihin ng asthma

0 374

Na-comatose ng limang araw ang isang 37-anyos na overseas Filipino worker (OFW) bago nasawi dahil sa severe asthma attack sa Kowloon.

Ayon sa mga ulat, inatake ang Pinay habang nasa ibang bansa ang kanyang employer noong Setyembre 20.

Kinilala lamang ang biktima na si Ivy B., na taga-Bontoc, Mountain Province.

Mula Setyembre 20 hanggang 25 na-comatose si Ivy bago pumanaw.

Ayon kay Welfare Attache Marivic Clarin, nakalabas pa ng bahay at nakakatok sa kapitbahay para humingi ng tulong si Ivy kung saan isang Filipino domestic worker ang tumulong sa biktima na madala ito sa Kwong Wah Hospital sa Yau Ma Tei pero namatay tanghali ng Setyembre 25.

Nai-repatriate na umano sa Pilipinas ang mga labi ni Ivy noong Oktubre 5 na ginastusan ng kanyang employer.

Siyam na taon na umanong nagtatraba­ho sa HK si Ivy at ikalima na niyang kontrata. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy