Una sa Balita

Pinay Power

0 270

Hi YANGsters!

Ang bilis talaga ng araw. Isang linggo na agad ang nakalipas mula nang magsimula ang aking unang sports column dito sa Abante. Masaya talaga ako na na-publish ang “Swim Like Jas” last Sunday. That really means a lot to me.

At gaya nga ng nauna kong sinulat, masaya ako na maging bahagi ng pahayagang ito, na sabi nga ay ang dyaryo ng tunay na tabloidista.

Salamat ulit sa ating editor na si Ferdz Delos Santos sa pagbubukas ng pinto para sa akin.

Samahan n’yo ako every Sunday sa ating lingguhang kuwentuhang sports. It’s a date!

***
Kaliwa’t kanang lindol ang naramdaman sa Pilipinas nitong nakaraang linggo. Naloka talaga ako! And I’m sure kayo rin. Unfortunately, may ilang namatay at nasugatan. Mabuti na lang, mas marami ang nakaligtas.

Pero sabi nga, “There’s always a rainbow after the lindol!” Hahaha.

But seriously speaking, sa dami ng nangyayaring kalamidad, patayan at isyung politikal sa araw-araw, one great thing we should all be proud of, ay ‘yung achievements ng ating mga Pinay athletes.

This calls for a celebration sabi nga ng ating mga kaibigan diyan sa PSC Women’s Commission.

Una sa listahan ko ang Philippine Women’s Ice Hockey team, na nakapag-uwi ng gold medal mula sa 2019 International Ice Hockey Federation Women’s Ice Hockey Challenge Cup of Asia Division 1 sa Abu Dhabi, UAE.

Pamilyar ako sa Ice Hockey team natin. Una ko silang nakita noong 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia. I was actually there during the championship celebration ng men’s squad sa biennial meet.

But the women’s team?

Sa mga hindi pa nakakaalam, history ang kanilang ginawa.

Kasi naman, ito yung first-ever gold medal nila sa lahat ng sinalihan nilang international tournaments from the past.

Winalis lang naman nila ‘yung lahat ng games sa Challenge Cup of Asia katapat ang Kuwait (10-0), India (5-0) at host UAE 2-1 para masungkit ang kampeonato.

For sure, marami ang susubok ng ice hockey. Who knows? Baka ito na ang isa sa mga sports na mag-excel tayong mga Pilipino!

***

Bukod sa Women’s Ice Hockey team, muling binuhat ni three-time weightlifting­ Olympian Hidilyn Diaz ang watawat ng Pilipinas sa AWC Asian Weightlifting Championship sa Ningbo, China.

Hindi pa rin nangangalawang ang lakas ng 28-year-old Zamboangaeña lifter na bumuhat ng tatlong silver medals mula sa women’s 55-kilogram category ng Asian meet.

Oh, andyan na naman ang ibang haters: Silver lang? Bakit hindi gold?

Oh well, hindi naman ganun ‘yun. Ako personally proud ako sa kanya kahit ano’ng colors pa ‘yan. Also, maganda pa rin naman ang puwesto ni Diaz na currently in rank 7 sa first six months ng Olympic Qualifying Tournament para sa 2020 Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Series of OQTs kasi ang pagdadaanan ng ating Pinay Olympian sa loob ng 18 months. Kaya naman, as long as pasok si Diaz sa top 56, ang limit number para sa mga weightlifter na mag-qua-qualify sa 32nd Olympiad, keri lang.

Ang maganda siguro, suportahan na lang natin na may kasamang dasal at huwag hataking pababa ang ating mga atleta. Hindi natin alam kung ano ang mga sina-sakripisyo nila para mabigyan ng karangalan ang ating bansa.

Sa may mga suhestiyon na maging topic natin sa mga future columns ko, maaari ninyo akong i-email sa mallare.arianne@gmail.com.
Hanggang sa susunod nating isyu. Salamat!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy