Una sa Balita

Pinay patok sa Victoria’s Secret Fashion Show

0 543

Kapag nagkataon, muling magbibigay ng karangalan sa bansa ang Filipino-American model na si Kelsey Merritt.
Siya ang kauna-unahang Pinay na rarampa sa Victoria’s Secret Fashion Show.

Ibinahagi ni Instagram user @kelsey angels ang larawan sa Instagram Stories hinggil sa listahan ng pangalan ng modelong binigyan ng ‘callbacks’ para sa nasabing fashion show.

Nakasama ang pangalan ni Merritt sa mahabang listahan ng modelong rarampa sa nasabing fashion show.
Matatandaan na ang Pinay ay unang nagmo­delo sa sikat na lingerie brand noong Mayo.

Sa kanyang Instagram account, ipinakita ni Merritt ang suot na light blue sports bra at leggings ng Victoria Sport, ang sports apparel ng Victoria’s Secret.

Ang Victoria’s Secret Fashion Show ay taunang show na ginaganap tuwing buwan ng Nobyembre at Disyembre. Ang iniimbitahan dito ay ang malalaking pangalan sa fashion at music industry.

Sakaling mapasama sa final list si Merritt, makakatrabaho niya ang mga sikat na modelo tulad nina Adriana Lima, Candice Swanepoel, Taylor Hill, Alessandra Ambrosio at Lily Aldridge.

Ilan sa mga sikat na modelo na dating rumampa sa Victoria’s Secret Fashion Show ay sina Tyra Banks, Heidi Klum, Naomi Campbell at Gisele Bundchen.

Kamakailan lamang ay bumisita sa bansa si Merritt upang magbakasyon kasama ang mga kamag-anak.