Una sa Balita

Pinay pasok sa 2020 Winter Youth Olympic Games

0 594

ISANG tinedyer ang nagbigay ng karangalan sa Pilipinas matapos na maging unang Pinay na nag-qualify sa 2020 Winter Youth Olympic Games (YOG).

Nakapasok ang 16-anyos na si Ana Noelle Wahleithner sa mga naipong puntos mula sa mga sinalihang event na binasbasan ng International Fede­ration of Skiing ngayong taon.

Kasalukuyang nasa Switzerland si Ana para sa dalawang linggong pagsasanay.

Babalik siya sa Amerika para muling sumabak sa mga karera bago idaos ang 2020 Winter Youth Olympic Games sa Lau­sanne, Switzerland sa Enero.

Si Ana na isang Filipino-American ay sasabak sa alpine skiing.

Samantala, isa pang Pinoy ang nakapasok din sa Winter YOG. Nag-qualify ang 14-anyos na si Julian Macaraeg nang maorasan ng 42 segundo sa 500 meters sa isinagawang ISU Junior World Short Track Championship sa Montreal, Canada.

Huling nagkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa nasabing kompetisyon noong 2012 sa katauhan ni alpine skier Abel Tesfamariam at ang tinaguriang Prince of Ice ng bansa na si Michael Martinez.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy