Pinay nurse pinatay ng dyowa sa Bahrain

By

Isang Pinay overseas Filipino worker (OFW) ang natagpuang patay makaraang pagsasaksakin ng umano’y karelasyon nito sa Bahrain.

Sa ulat, nakakulong na ngayon ang hindi pinangalanang suspek na taga-Bahrain matapos umamin sa ginawa nitong pagpatay sa biktimang si Zairah Cañete, 38-anyos, nagtatrabaho bilang private nurse na nakabase sa Manama.

Sinabi ni Deputy Chief Prosecutor ng Muharraq Governorate, Abdullah Al Dossary, na sumuko ang suspek sa ginawa nitong pagpatay.

Base sa ulat, noong nakaraang Linggo nang mangyari ang krimen kung saan nagkaroon umano ng hindi pagkakaintindihan ang Pinay sa kanyang tahanan sa Busaiteen.

Dito ay bigla na lamang kumuha ng patalim ang suspek bago sinaksak sa leeg ang biktima. Naganap ang insidente noong nakaraang linggo.

Patuloy na inimbestigahan ng mga awtoridad ang ugat ng krimen kabilang ang posibleng selos umano ang dahilan ng hindi pagkakaintindihan ng dalawa. 

SHARE