Una sa Balita

Pinay nurse naka-jackpot ng 166M sa Abu Dhabi

0 936

Nagwagi ng tumataginting na Dh12 million o katumbas ng P166 million ang isang Filipina nurse na walong taon nang naninirahan sa Abu Dhabi, UAE.

Napanalunan ng Pinay ang nasabing halaga sa Big Ticket draw noong Disyembre 3, ayon sa Gulf News report.

Mula sa Central Luzon si Anabelle Manalastas dela Cruz, 33.

Sa interview kay Anabelle ng Gulf News, sinabi niyang ang napanalunan niya ay gagamitin sa pagbabayad nang buo sa kanyang personal loan na nasa Dh100,000 na ginamit niya para bumili ng bahay sa Pilipinas habang ang matitira ay itatago niya sa bangko.

Samantala, gaganapin ang susunod na draw ng Big Ticket sa Enero 3 sa susunod na taon.

Ang Big Ticket ay largest and longest-running monthly raffle draw para sa cash prize at dream luxury car sa Abu Dhabi. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More