Una sa Balita

Pinay nurse kinasuhan sa diskriminasyon

0 369

SINAMPAHAN ng kaso ng apat na nurse ang Pinay na director ng isang Bergen County-owned nursing home dahil sa diskriminasyon sa Bergen County, New Jersey.

Kuwento ng mga biktima sa NorthJersey.com report, inaalis umano ni Bergen County Health Care Center Director Violetta Arcilla ang mga hindi Pinoy na nurse, binabawasan ang kanilang bayad, hindi makataong pagdidisiplina at mas binibigyan ng magandang schedule ang mga Filipino nurse.

Saad ni Rita Blaser, isa sa mga nagreklamo, nakaranas siya ng paghihiganti mula kay Arcilla dahil sa isinampa nilang kaso. Bigla na lang umano siyang tinanggal sa trabaho ng director.

Kaya ang ilan umano ay natatakot palagi na mawalan ng trabaho.

Si Arcilla na umano ang namumuno sa 100-bed Rockleigh home simula pa 2015.

Mahaharap ngayon si Arcilla sa discrimination lawsuit na sinampa ng mga nurse na sina Carmen Mabille, Maureen Beech, Rita Blaser at Barbara Masten noong nakaraang buwan. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy