Una sa Balita

Pinay netter Eala swak sa Nat’l team

By
0 336

Malaki ang tsansa ni Pinay rising tennis player Alex Eala na mapasok bilang bahagi ng National team para sa Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.

Ayon kay National head coach Chris Cuarto, isa sa mga prospect nila si 13-year-old Eala sa bubuuing National team ng Philippine Tennis Association.

Kasalukuyang nasa ika-113 si Eala sa world’s junior rankings at nakapag-uwi na ng dalawang singles titles sa 10 torneong sinalihan nito.

Susunod na maglalaro si Eala sa Junior Fed Cup pre-qualifying rounds Asia-Oceania sa Marso 4-10 sa Colombo, Srilanka at World Juniors Championship (14-under) final qualifying rounds para sa Asia-Oceania sa Abril 8-14.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy