Una sa Balita

Pinay nalunod habang nag-i-snorkeling sa Florida

0 162

NASAWI ang isang Filipino-American na taga-Illinois habang nag-i-snorkeling sa Florida, USA nitong nagdaang linggo.

Sabi sa ulat, nakitang lumutang sa dagat si Pamela Macaso, 21-anyos, ilang oras matapos mahiwalay sa kanyang tour boat.

Nangyari ang insidente sa coast ng Fort Lauderdale sa Florida. Bago magtanghaling-tapat, nagsagawa ng head count ang crew ng lantsa at nadiskubreng wala si Macaso.

Matapos ang ilang minutang paghahanap, natagpuan ng mga rescuer ang lumulutang si Macaso.

Isiinugod sa ospital ang Pinay subalit hindi na ito naisalba pa ng mga doktor.

Iniimbestigahan na ng Fort Lauderdale Police Department ang insidente.

Isang GoFundMe account ang binuo para sa funeral expenses ni Macaso.