Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinay nagtapos na may highest award sa Canada

0 104

Nanguna ang Pinay na si Jonhel Patricia Lim Ampil sa mga nagtapos sa Niagara College sa Canada, dahil dito iginawad sa kanya ang Governor General’s Academic Medal, ang pinakaprestihiyosong parangal na ibinibigay sa isang estudyante bilang pagkilala sa kanyang academic excellence.

“We left our professional careers, our families, and our friends behind in the Philippines. It was a difficult path to take, but we have no regrets,” bahagi ng talumpati ni Jonhel Ampil noong Hunyo 24.

Nakuha niya ito dahil sa gradong 98.046 percent average sa kursong Recreation Therapy. Siya din ang may highest grade-point average (GPA) sa kanilang class 2022.

Bukod sa Governor General’s Academic Medal natanggap din niya ang Dean’s Award for the School of Community Services.

Bago lumipat kasama ng kanyang partner sa Canada tatlong taon na ang nakakaraan, nagtrabaho si Ampil bilang licensed occupational therapist sa Pilipinas.

Sa kabila ng paghihirap na naranasan sa pandemiya sinabi ni Ampil na sulit ang lahat ng kanyang mga sakripisyo. Masaya umano siya na nakapagbigay siya ng karangalan sa kanyang pamilya at para sa bansa.

Ngayon nagtratrabaho si Ampil bilang assistant activity coordinator sa Chapel Heights retirement home. (Nethaniah Jan Lim)

Leave A Reply

Your email address will not be published.