Una sa Balita

Pinay nagkwento ng ISIS experience

By
0 2

Ikinuwento ng isang Pinay nurse ang naging karanasan nito at iba pang kasamahang Pinay habang bihag ng teroristang grupong Islamic State (IS) sa Sirte City sa Libya.

Ayon sa ulat, ang nasabing Pinay na nakalaya mula sa pagkakabihag ng ISIS noong nakaraang taon ay nagsabing pinuwersa ang mga ito na manggamot sa mga nasusugatang rebelde at magbigay ng medical training.

Sa panahon ng kanilang pagkakabihag, napag-alaman ng nasabing grupo na mga Muslim ang mga ito ay itinalaga na lamang ang mga ito sa main hospital sa Sirte kung saan ginagamot ang mga nasusugatang tauhan ng ISIS.

Abante Hiring – IT dep

Maliban dito, inatasan din ang mga ito na bigyan ng medical training ang mga rebelde para matuto ng first aid.

Nakalaya lamang ang mga ito sa kasagsagan ng pagtugis ng mga Libyan forces sa ISIS para mabawi ang Sirte noong Disyembre 2016.

Isinalaysay pa ng Pinay na araw-araw silang nangangamba para sa kanilang kaligtasan dahil lagi silang pinagbabantaan na papatayin.
Ang nasabing Pinay nurse ay nakatakdang p

balikin sa Pilipinas kasama ang pito pang babae, isang lalaki at isang 10 buwang gulang na sanggol.