Una sa Balita

Pinay na pinatay sa US tutulungan ng Negros Occidental gov

0 400

NAKAHANDA umanong tulungan ni Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson ang anak ng da­ting empleyado na pinaniniwalaang biktima ng domestic violence sa United States.

Hustisya ang hinihingi ni Cely Recelistino, dating provincial government cashier, makaraang matanggap ang impormasyon na nasawi ang kanyang anak na si Russcel noong Nobyembre 27 sa Colorado.

Sinabi ni Lacson na nakahanda itong bigyan ng representasyon si Cely sa mga awtoridad para makuha nito ang hustisya at maiuwi ang bangkay ng anak.

Sinabi naman ng ginang na hinahanda na nito ang mga dokumento na kailangan ng Department of Foreign Affairs para sa paghingi nito ng tulong.

Ayon sa Fort Lupton Police Department, alas-7:30 nang umaga noong Nobyembre 27 nang makatanggap sila ng impormasyon hinggil sa natagpuang babae na walang malay.

Isinugod umano ang biktima sa Northern Colorado Medical, kung saan ito binawian ng buhay.

Isinailalim naman sa kostudiya ng pulisya ang asawa ni Russcel na si Joseph Garza, 37, dahil ito lamang umano ang kasama ng biktima sa loob ng bahay nang matagpuan ito.

Sinabi ni Cely, na ang employer ni Russcel ang nagbigay sa kanya ng impormasyon, at hindi pa malinaw ang eksaktong kinamatay nito, pero nabatid nito na seloso ang mister ng anak, batay na rin sa kuwento ng anak. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More