Una sa Balita

Pinay na piloto ng F-16 jet, pangarap maging astronaut

0 548

Matapos umukit ng pa­ngalan sa United States Air Force (USAF) bilang unang Pilipina na naging piloto ng supersonic F-16 Fighting Falcon, hangad naman ni Capt. Monessa Catuncan na maging astronaut balang araw.

Naging inspirasyon ni Catuncan ang pelikulang “Armageddon” na pinagbidahan ni Bruce Willis.

Si Catuncan, 33-an­yos, ay bunsong anak ng mga immigrant na sina Ramon at Teody Catuncan. Nagtapos siya bilang valedictorial sa Mesquite High School sa Texas at nakuha ang Aeronautical Engineering degree sa US Air Force Academy sa Colorado.

Napadpad siya sa Luke Air Force Base sa Arizona at doon nagsi­mulang magpalipad ng F16 na kilala din sa tawag na ‘viper”.

Noong 2014, sumabak siya sa giyera sa Iraq bilang bahagi ng 34th Fighter Squadron. Sa tuwing lumilipad siya, bitbit niya ang bandila ng Pilipinas sa kanyang puso.

Pangarap niya na makarating sa kalawakan bilang astronaut kaya’t pinagbubuti niya ang trabaho bilang piloto ng USAF.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy