Una sa Balita

Pinay na lumaki sa abroad, na-inlab sa mga charity work sa ‘Pinas

0 202

ISANG Filipina beauty queen na lumaki sa abroad ang nakatagpo ng kapayapaan sa pamamagitan ng mga charity work sa bansang sinilangan ng ­kanyang mga magulang.

Ito ang unang beses na bumisita si Excelsa de ­Jesus sa bansa matapos makoronahang Miss ­Philippines America sa United States noong 2016.

Lumaki na may kumportableng buhay si De ­Jesus dahil kapwa nagtatrabaho sa medical field ang ­kanyang mga magulang.

Ani Excelsa, dumanas siya ng depression noon, kaya ngayon ay nagpupunta siya sa iba’t ibang lugar para magpalaganap ng inspirasyon sa iba na ­nakararanas din ng kanyang pinagdaanan.

Nang gampanan na niya ang ­tungkulin bilang Miss Philippines ­America, naantig ang kanyang puso dahil naga­gawa na niyang matulungan ang maraming mahihirap.

Matapos na magwagi ring Miss Republic ­Philippines International sa Manila, ginamit niya itong pagkakataon para libutin ang bansa at ­mag-host ng mga outreach event.

Ayon sa 21-anyos na philanthropist, masarap umano sa pakiramdam niya na naibabahagi niya ang nag-uumapaw na mga blessing na mayroon siya sa ibang nangangailangan.

Kabilang sa mga outreach event ni Excelsa na sinaksihan ng kanyang mga magulang na sina ­Wilfredo at Ana Gene, ang Childhaus, na ideya ng ­celebrity hairdresser na si Ricky Reyes, sa Malate, Manila; Reclamation Dumpsite sa Taguig City; Port Barton Elementary at High School sa San ­Vicente, Palawan; Barangay Rima at Estancia sa Iloilo; La Castellana, Negros Occidental; at ang Crossing ­Magallon Elementary School sa Bacolod City.

Samantala, may charity event si Excelsa ­kasama ang beteranong Filipino singer na si Jose Mari Chan sa Oktubre 12 sa Northern Boulevard, Woodside sa New York. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy