Una sa Balita

Pinay Maria Laroco humamig ng papuri sa ‘X-Factor UK’

By
0 403

Isa na namang Pinay singer ang nagpatayo sa mga hurado ng X Factor UK dahil sa interpretation nito ng kanyang audition piece na Purple Rain. Ayon sa 17-year-old na si Maria Laroco, matagal na niyang panga­rap ang maging isang international Superstar kaya nga lahat ng paraan ay ginagawa niya para matupad ito.

Ayon sa judge na member ng One Direction, gawin lang niya ang dapat niyang gawin dahil sa edad niyang yun, talagang napaha­nga siya nito.

Super proud naman ang isang hurado sa kanya na si Robbie Williams dahil napatayo niya ang mga tao na bihira raw mangyari sa mga audition.

Lahat ng apat na hurado ay binigyan siya ng ‘Yes’ kaya aakyat na siya sa susunod na round.

Wala namang duda na maging si Simon Cowell ay bilib na bilib sa Pinay talent dahil sa sunod-sunod na pangkakabog ng mga kakabayan natin tuwing season nila.

Minsan na ngang nasabi ni Simon na kapag may Pinoy na sumasali, lagi siyang excited at inaabangan niya talaga ang performance.

Pero, kelan kaya tayo makaka-produce ng grand winner sa singing contest na ito?

Siguro, ‘pag alisin na ang text votes, devah? Dahil hangga’t ito ang labanan, hanggang parangap na lamang ito pansamantala.

Korekek!