Una sa Balita

Pinay kinidnap sa Kuwait

0 1,505

Isang Filipina domestic hel­per ang dinukot sa Kuwait nitong nakaraang linggo.

Ayon sa ulat ng Kuwait Times, nagpapa­kain ng manok sa garden ng kanyang sponsor ang hindi pa nakikila­lang Pinay nang biglang lumapit ang isang lalaki at hatakin ang biktima.

Isinakay umano ng suspek ang biktima sa nakaabang na sasakyan na minamaneho ng ka­sabwat at humarurot palayo sa lugar.

Nakita pa ng sponsor ang buong pangyayari habang nasa balkon kaya’t agad itong nagreport sa police station.

Ginalugad naman ng mga pulis ang lugar su­balit nabigo silang matunton ang mga salarin.

Kasalukuyan nang iniimbestigasyon ng mga pulis ang insidente.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy