Una sa Balita

Pinay kinatawan ng New Zealand sa 2019 WCOPA

0 163

ISANG 9-anyos na batang babae ang siyang magiging kinatawan ng New Zealand sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) sa susunod na taon.

Kinilala itong si Jazz Dacanay Vidamo, na ang mga magulang ay kapwa mga Pilipino at nanggaling sa angkan ng mga mang-aawit at musikero.

Sa murang edad na dalawang taong gulang ay nagsimulang umawit si Vidamo at pagsapit ng limang taong gulang ay sumasali na sa mga kompetisyon.

Naging finalist ng Opera Idol 2018 at naging bahagi ng “Disney’s The Little Mermaid Junior” bilang “Arista” si Vidamo kaya’t binansagan siyang ‘opera princess’.

Bukod sa pag-awit, rumarampa din si Vidamo sa pagmomodelo.

Gaganapin ang WCOPA 2019 sa California sa buwan ng Hulyo.