Una sa Balita

Pinay kinaiinggitan sa duet kay Ben Adams

0 481

Jackpot na parang nanalo sa lotto ang feeling ng isang netizen mula sa isang probinsya na naka-duet sa videoke ang international singer na si Ben Adams mula sa classic boyband na A1.

Kumakalat na nga ngayon sa social media na umabot na sa higit 7K likes, 18K shares at ‘di na mabilang na mga comment ang uploaded video na nakikipagkantahan si Adams sa isang bahay sa probinsya. Kinilala ang babaeng naka-duet ni Adams na si Edith Rodriguez, at hindi talaga maitatanggi sa itsura nito ang pagkakilig habang sinasabayang kumanta ni Ben ng “Like A Rose”.

Aba’t kung mapapanood nga ang video na iyon, parang naka-libre na ng concert ang mga taong naroroon dahil very casual lang talaga kumanta si Ben sa videoke du’n.

Ayon pa sa background noises na maririnig sa video, iniisip talaga nila kung si Ben Adams nga ba talaga ang nakikipagkantahan sa bahay nila dahil hindi sila makapaniwala sa moment na iyon.

Marami namang Pinoy ang sobrang natuwa sa international singer dahil parang ordinaryong tao lamang daw si Ben na nakikipag-bonding sa ibang tao sa bansa at wala rin talagang kaarte-arte.

Marami ring fan ang labis na nainggit at hinihiling na sana ay mapadpad din sa bahay nila ang international singer. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy