Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinay K-pop lodi sa SoKor

0 263

Nagmarka ang isang Filipina bilang K-pop idol sa South Korea.

Si Chantal Videla, 19, ay kasalukuyang trainee sa ilalim ng MLD Entertainment.

Pinay ang kaniyang ina habang Argentinian naman ang kaniyang ama.

Bagama’t wala pang masyadong detalye tungkol sa kung kailan ang kaniyang “debut date,” napuno na ng mga larawan at video ni Chantal ang Instagram account ng MLD Entertainment Audition mula nang ipakilala siya bilang Chanty noong Nobyembre 2021.

Dagdag pa riyan, nagpapamalas na rin ng kaniyang talento si Chantal sa mga video na in-upload sa YouTube channel ng nasabing kumpanya.

Samantala, inulan naman ng komento ang kaniyang larawan mula sa mga Pinoy fan na naghihintay sa kanyang debut. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.