Pinay historian nasungkit highest award sa Spain

Tinanggap ni Dr. Ros Costelo, isang historian at alumna ng University of the Philippines, ang sobresaliente cum laude o pinakamataas na pagkilala sa Spanish educational system nang magtapos ito sa kanyang doctorate degree sa Universidad Complutense de Madrid.
Kinuha ni Costelo ang programang Contemporary History sa nasabing unibersidad, na prestihiyosong institusyon kung saan nag-aral din sina Jose Rizal at Antonio Luna.
Noong Enero iniharap ni Costelo ang kanyang doctoral thesis sa panel na binubuo ng mga kilalang historian sa Spain at Pilipinas. Pokus ng kanyang pag-aaral ang ‘Public Works and the Spanish Colonial Agenda of Sanitation, Order, and Social Control in the Late 18th to 19th Century Manila’.

Tumalakay ito sa kung paano nakatulong o nakahadlang ang mga colonial policy ng Espanya sa buhay ng mga Manileño, sa pamamagitan ng paglikha ng mga pampublikong water system, street light at ibang establisimyento.
Binahagi pa ni Costelo na tinamaan ito ng COVID-19 noong Oktubre habang ginagawa ang kanyang pananaliksik, pero aniya, “Then, I tested positive for Covid-19 while I was in the final stretch of thesis writing. Pero, laban lang!”