Una sa Balita

Pinay gymnast kumopo ng 4 medalya sa US

0 461

APAT na medalya ang nahakot ng Filipina teen gymnast na si Jessica Rayne Tijam mula sa dalawang international rhythmic gymnastics competitions sa Amerika.

Kabilang ang 15-anyos na si ­Tijam sa taong ito na International Gymnastics Federation Level 10 ­Senior Category kung saan nag-perform ang mga atleta gamit ang iba’t ibang instrumento gaya ng hoop, ball, clubs at ribbon.

Tumapos si Tijam ng silver me­dal para sa Pilipinas sa 10th Las Vegas Invitational na ginanap noong Enero 17-20, 2020.

Nakapasok siya sa Top 10 laban sa 17 iba pang gymnast mula sa United States at Canada.

Si Tijam ay isang Filipino-American na ipinanganak sa Amerika.

Edad 7 si Tijam nang magsimulang sumali sa mga kompetisyon.

Kakatawanin nito ang Pilipinas sa Summer Olympics kasama si Filipino champion gymnast Carlos Edriel Yulo. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More