Una sa Balita

Pinay golfers laglagan sa Daytona

By
0 4

Sa maraming beses na kanselasyon dahil sa maagang pagdidilim ng kalangitan at mga pag-ulan mula umpisa hanggang katapusan, naapektuhan ang laro ng lahat pati ng apat na Pinay, kabilang ang tatlong lumaro sa money round.

Masasakit sa mata ang 3rd & final round kaya bumulusok si Clariss Guce (74-215) para sa 6-way tie sa 26th place at makuntento na lang sa premyong US$1,946.

Dumausdos din sina Mia Piccio (79-225) para solo 58th ($765), at Princess Superal (80-227) sa paglagak sa 2-way tie for 59th ($733).

Abante Hiring – IT dep

Kopo nitong Martes (Manila time) ang trono ng US$200,000 10th Symetra Tour Championship 2017 sa LPGA International-Jones Course sa Daytona Beach, Florida ni Rachel Rohanna sa pagtrangka sa 1-2 finish ng Americans sa 69-203 at iuwi ang top prize $30,000.
Wagi siya ng isang palo kay Emma Talley (67-204, $14,756) sa event na 2nd at final leg ng 12th Symetra Tour 2017.