Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinay frontliner niregaluhan kotse ni Ellen DeGeneres

0 436

Maaga ang Pasko para sa isang Filipina nurse sa Los Angeles, California.

Sinorpresa kasi siya ng bagong kotse ng sikat na TV host sa Amerika na si Ellen DeGeneres.

Sa video na naka-post sa official YouTube channel ng The Ellen DeGeneres show, naitampok ang Pinay na si Flor Roz, na nurse sa mga COVID-19 patient.

Kuwento ni Roz, pinangarap niyang maging nurse dahil bata pa lamang daw siya ay mahilig na siyang tumulong sa mga tao.

Ilan sa mga sakripisyo niya ngayong pandemya ang ilang buwan nang hindi pag-uwi sa bahay nila para makapiling ang asawa at 2-anyos nilang anak dahil expose siya sa virus.

Naikuwento rin ni Roz ang pagsi-share nila ng asawa niya sa iisang kotse at sa tagpong iyon ipinarada ni DeGeneres kasama si TV producer Andy Lassner ang handog na sasakyan sa Pinay bilang pagpapakita ng appreciation sa mga frontline worker na tulad niya.

Napahagulgol naman sa sobrang touch at kasiyahan ang Pinay. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.