Una sa Balita

Pinay Ella Jay Basco umeksena sa Hollywood movie

0 408

Sa mga nagtatanong kung Pinay ba ang aktres na gumanap bilang Cassandra Cain sa DC Film na Birds of Prey, ang sagot ay oo.

Filipino-Korean ang 13-year old na si Ella Jay Basco, ang gumanap na orphan thief na naging part ng all-girl squad ni Harley Quinn (played by Margot Robbie) sa Birds of Prey.

Pamangkin ng Fil-American actors na sina Dante at Dion Basco si Ella.
Nakilala si Dante as Rufio sa 1991 Steven Spielberg film na Hook. Nakilala naman si Dion sa pelikulang Race The Sun in 1996.

Kilala ang magkakapatid na Basco sa Hollywood dahil sa paglabas nila sa maraming independent films na sila ang nagpo-produce.

Nag-tweet si Ella na para sa Pilipinas ang nasalihan niyang pelikula.
“This movie is for you Philippines! My Grandpa is from Pangasinan and my Grandma is from Zambales.”

Lumabas na sa ilang TV shows si Ella tulad ng Grey’s Anatomy, Happyland, Superior Donuts, Veep at Teachers. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More