Una sa Balita

Pinay DH tumalon sa takot

By
0 2

Sinampahan ng kasong attempted suicide case ang isang menor-de-edad na Pinay makaraang tumalon ito mula sa anim na palapag na gusali mula sa pinagtatrabahuhan matapos itong akusahan ng pagnanakaw sa bansang Kuwait.

Sa ulat ng Kuwait Times, kinasuhan ng Kuwaiti police ang 17-anyos na Pinay dahil sa ginawang pagtalon nito sa nasabing gusali mula sa bahay ng pinaglilingkuran nitong employer.

Kinumpirma rin ng Philippine Embassy sa nasabing bansa na ang nasabing Pinay ay 17-anyos lamang at peke ang ginamit nitong pangalan sa papeles nito at pekeng pasaporte para makapagtrabaho bilang domestic helper.

Sinasabing dumating sa Kuwait ang Pinay mula sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao gamit ang pekeng pangalan na Rahima at edad sa pasaporte nito.

Ayon naman kay Dr. Celirino ‘Chie’ Umandap, AKO-OFW chairperson, na ipinarating na nito sa Office of the President at kay Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguire, at Blas Ople Policy Center ang kaso ng nasabing Pinay.

Base sa ulat, tumalon ang biktima mula sa anim­ na palapag na gusali matapos tumawag ng pulis ang amo nito dahil sa pagnanakaw ng 110 Kuwaiti Dinar.