Una sa Balita

Pinay DH sinaluduhan ng amo, mga kababayan sa retirement

0 576

NAGING madamdamin ang pagreretiro sa trabaho ng isang Pinay domestic helper sa Hong Kong.

Mismong amo ni Conchita ‘Ching’ Baltazar, naiyak sa pamamaalam ng Pinay kaya’t binigyan pa siya ng farewell party.

Ayon sa amo ni Baltazar na isang abogado, hindi na siya makakakita pa uli ng domestic helper na kasinggaling at kasingbait nito. 12 taon na nanilbihan ang Pinay sa Taiko Shing flat ng kanyang amo. Taong 1985 ito unang nagtrabaho sa Hong Kong.

Sa ulat ng The Sun Hong Kong, nagbigay pugay din ang ibang Pilipino sa pamamaalam ni Baltazar.

Dahil sa kahusayan sa trabaho at mga gawain nito para matulungan ang mga kababayan sa abroad, nabigyan si Ching ng Bagong Bayani presidential award noong 1999 at Bayani Cagayanos award noong 2001.

Uuwi si Ching sa kanyang pinagmulan sa Enrile, Cagayan upang tulungan ang kanyang kapatid na tatakbong alkalde ng bayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy