Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinay DH na may bagong COVID nahawa sa HK-Duque

0 374

May posibilidad na sa HongKong nahawa ang Pinay domestic helper na nagpositibo sa bagong COVID19 variant.

Ito ang inihayag ni Health Secreyary Francisco Duque III dahil negatibo naman ang resulta ng kanyang swab test ng umalis sa Pilipinas

“When she left, she tested negative and I think on January 2, 10 days after she arrived in Hong Kong, she tested positive. So that’s 10 days between the time she left and the time she arrived in Hong Kong where she tested positive,” ayon kay Duque.

“You can readily just speculate it’s possible she might have contracted it there,” dagdag pa ni Duque pero dapat itong pag-aralan mabuti.

Gayunman sa impormasyon na ipinagkaloob sa DOH ng HK authorities, ang 30 anyos na babae na mula sa Cagayan Valley na nagpositibo sa UK variant sa HK ay sumailalim kaagad sa quarantine.

Ayon kay Duque,hanggang sa kasalukuyan ay wala pang nadi-detect na UK variant sa Pilipinas.

“Given the results of the genomic sequencing found by the Philippine Genome Center, wala pa. Ang nakita lang nila isa the usual dominant variant which is the D614G,” ani Duque.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.