Una sa Balita

Pinay DH lasog sa pagkahulog sa HK building

0 321

BALITANG ABROAD

Todas ang 31-anyos na Pinay domestic helper nang mahulog sa isang gusali sa Hong Kong nitong Lunes nang hapon na pinaniniwalang kaso ng suicide.

Sa ulat ng The Sun Hong Kong, itinago ang p­angalan ng biktima sa initials na VRM, single at breadwinner ng pamilya mula Tibiao, Antique.

Ilang pahayagan sa Hong Kong ay nag-ulat na nagpakamatay ang Pinay dahil sa “relationship problem” pero hindi naman ito makumpirma ng mga kapitbahay.

Wala ring iniwan na suicide note ang biktima at ang pagkamatay niya ay itinuring ng pulisya na pagkahulog sa mataas na gusali.

Sa isinagawang imbestigasyon, nahulog ang Pinay sa gusali na matatagpuan sa 46 Nassau St. sa Mei Foo Sun Chuen estate, Cheung Sha Wan. Isang 31-anyos na construction worker ang nakarinig ng malakas na tunog kaya’t tumawag ito sa pulis at doon nakita ang nakahandusay na katawan ng biktima.

Nabatid na ang biktima ay nagtrabaho sa iisang employer lamang sa nakalipas na apat na taon kung saan kasama niya sa trabaho ang kanyang tiyahin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy