Una sa Balita

Pinay DH delikado sa pag-abuso

0 507

Posibleng malagay sa mas lalong  panganib ang mga Pinay Domestic helper na nasa iba’t ibang panig ng bansa laban sa mga pang abusong seksuwal.

Ito ay kaugnay ng pahayag ni Pangulong Duterte na noong siya ay binatilyo pa ay kaniyang pinasok ang kuwarto ng kanilang kasambahay.

Sa kuwento ng Pa­ngulo ay hinawi niya ang kumot at pinasok sa loob ng panty ang kaniyang kamay Duvalier ng magising ang kasambahay ay agad itong umalis sa kuwarto.

Iba-iba ang naging­ reaksiyon dito ng publiko at ang ilan ay nagalit lalo na ang mga nagsusulong ng karapatan ng kababaihan at mga ofw.

Kambiyo ng Malacañang ay nagbibiro lamang ang Pangulo at gawa-gawa lang ang nasabing kuwento upang magpatawa.

Pero ako ay naniniwala na maaring nagpapatawa lang ang Pa­ngulo pero hindi akma ito sa kaniya bilang Pangulo ng bansa na kumakatawan sa mga Pilipino.
Ang masaklap nito ay seryosohin naman ng mga dayuhang amo ng mga pinay DH lalo na sa Middle East kung saan ay kanilang papasukin din ang kuwarto ng ating kababayan.

Kung papalag ang ating pinay DH ay baka ikatwiran na ginagaya lang naman nila ang ating Pangulo.

Baka magpilosopo pa ang mga dayuhang amo ng ating kababayan na pinay DH at magsilbing lisensiya sa pag-abuso.

Umaasa tayo na hindi ito magiging dahilan upang dumami ang bilang ng mga inaabusong pinay DH at ang ating panawagan sa ating kababayan na maging mapagbantay at maging listo upang hindi humantong sa pag-abuso.

Pakiusap natin sa Pangulo na sana naman ay maging maingat sa pananalita dahil kumakatawan siya sa mahigit 100 milyong Pilipino at milyon din ang mga OFW na nagkalat sa iba’t ibang panig ng mundo.