Una sa Balita

Pinay designer wagi sa Italy fashion award

0 165

Nasungkit ng talentadong fashion designer na si Renee de Guzman ang Lectra Special Award sa final event ng 25th Edition ng International Lab of Mittelmoda sa Italya.

Ang Mittelmoda The Fashion Award, ay isang sikat na interna­tional fashion competition para sa mga designer at fashion design student sa buong mundo.

Kabilang si De Guzman sa 23 talen­t na nakapasok sa final phase ng kompetisyon.

“I was happy. Getting into the competition was already one thing I was thankful for but winning an award? I had no words. If felt rewarding. It made me realize my purpose even more,” saad ni De Guzman.

“And most importantly, I was proud because I was representing both the Philippines and my school. It was not only for myself but also for my family, the Philippines and God,” dagdag pa niya.

Sa Lectra award, hinamon ang mga designer na gumawa ng kasuotan na gamit ang kulay pula.

Dahil dito, lumikha si De Guzman ng full set ng red clothing, kinabibilangan ng coat, pleaded skirt at turtleneck at pinalamutian ng fur.

Ito na ang ika-9 na set ng kanyang koleksyon mula ng magtapos ng pag-aaral sa Raffles Design Institute sa Hong Kong.