Una sa Balita

Pinay chesser Canino kinalos si Dau sa ‘R4’

0 314

NANATILI sa tuktok si Pinay woodpusher Ruelle Canino matapos kalusin si Khuong Duy Dau ng Vietnam sa round 4 ng Pattaya Chess Club Open 2019 Under-12 sa Thailand.

Nakalikom si 11-year-old Canino ng perfect four points, kasalo nito sa top spot si No. 1 seed Thina Han Sai ng Myanmar, nakatakda silang magharap sa round 5.

Posible sanang All-Pinay sa tuktok, kaya lang yumuko si Antonella Berthe Racasa kay Sai.

Solo naman sa third spot ang isa pang pambato ng Pilipinas na si Wayne Ruiz na tinalbos ang kababayang si Chegaets Andres.

Nakapagtala si Ruiz ng 3.5 points, habang sumalo si Racasa sa fourth to eighth place kapit ang tatlong puntos sa event na ipinatutupad ang nine rounds Swiss System.

Maghaharap sa fifth round sina Ruiz at Racasa, magkakaldagan din ang parehong panargo ng Pilipinas na sina Relghie Columna at Gladimir Chester Romero, tangan din nila ang tigatlong puntos.

Unang pinagpag ni Canino si Veronika Mikhailova ng Russia, sunod si Muhd Harris Hasief Faizal Mohd ng Malaysia sa round two habang kinaldag niya sa third round si Pinoy woodpusher Adrian Klein Cantomayor. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy