Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinay cartoonist ginawaran ng award sa US

0 143

Kinilala ang husay ng isang Filipino-American cartoonist sa Reuben Award, pinakamataas na karangalang ibinibigay sa mga cartoonist.

Pinangalanan si Filipino-American Lynda Barry, 64, bilang Reuben Awardee for Outstanding Cartoonist of the Year sa Portland, Oregon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa pamamagitan ng video message tinanggap ni Barry ang prestihiyosong award sa ginanap na 74th Annual National Cartoonists Society Reuben Awards noong September 12, 2020, ayon sa ulat ng Good News Pilipinas.

Proud niyang sinabi na lumaki siya sa Pilipinas sa pangangalaga ng kanyang Pinay na lola. Isang Irish-Filipino ang ina ni Barry.

Karamihan ng mga comics draw niya ay inspired noong kabataan niya sa Seattle at paglaki niya sa isang Filipino family. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.