Una sa Balita

Pinay caregiver sa Toronto, inararo ng trak

0 394

TRAHEDYA ang sinapit ng isang Pilipina caregiver na matapos mabundol ay nakaladkad pa ng cement truck sa Toronto, Canada.

Ayon sa ulat, alas-10:00 nang umaga noong Setyembre 10 nangyari ang insidente sa Yonge Street and Erskine Avenue.

Tumatawid noon ang biktima na si Evangeline Lauroza, 54, sa Erskine Avenue nang masagasaan ng cement truck na paliko noon. Nakaladkad siya ng may ilang metro bago huminto ang trak.

Hindi naman tinakasan ng 54-anyos na lalaking driver ang biktima pero dinala ito sa ospital para masuri sa pagka-shock sa nangyari.

Nasa sampung taon nang nagtatrabaho sa Toronto si Lauroza sa ilalim ng Live In Caregiver Program.

Samantala, nag-organisa naman ng GoFundMe page para matulungan sa panga­ngalap ng pera para maibalik ang mga labi ng Pinay sa Pilipinas. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More