Una sa Balita

Pinay-Belgian karateka Raskin wagi ng ginto, tanso sa London

0 341

NAGPAKITA ng kanyang husay at talento ang isang 9-anyos na batang babae na tubong Zamboanga City na si Maria Angela Die Ruskin matapos na magwagi ng ginto at tansong medalya sa sinalihan nitong WADO International Karate Federation Global Cup sa London.

Tinalo ng Belgium-based na si Angela Raskin ang kanyang mga kalaban mula sa 17 bansa sa beginners category kung saan nagwagi ito ng ginto sa sparring at tanso sa kata.

Isinilang sa Zamboanga City bago naging Belgian citizen, inaalay ng estudaynte mula sa Katholiek Onderwijs Regio Zoutleeuw na si Raskin ang kaniyang tagumpay sa mga kaanak sa Zamboanga City at sa Pilipinas.

“My dad used to bring me and teach me about the sport and I somehow like it and now I am able to win,” sabi ni Raskin, na naninirahan na sa Zoutleeuw, Belgium bagaman inirerepresenta pa rin ang bansa sa mga torneo. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy