Una sa Balita

Pinay archer umasinta ng ginto sa Macau

0 516

GINIBA ni Andrea Robles ang mga nakatunggali nito sapat para makasungkit ng gintong medalya sa 2019 Macau Indoor Archery Open.

Nakapuwesto sa ikaapat na rank si Robles sa kompetisyon, at nang makaharap ang tournament leader na si Sarah Prieels mula Belgium ay kanya itong pinatumba sa semifinals.

Sa finals ay na-outscore naman si world championship runner-up Paige Pearce mula Uni­ted States para maiwi ang gintong medalya para sa Pilipinas.

Ang kanyang pagkapanalo sa regional meet ay magandang prepa­rasyon para sa parating na 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa.

“I’m feeling really good. I’m feeling really happy that I [won], especially because it’s my first time at these events. I’m just having fun with it, training my best and enjoying,” ayon kay Robles.

Dumating na sa bansa ang 21-year-old Ateneo alumna noong Nob­yembre 11.

“Back in Manila and I still can’t believe this happened. Had so much fun and made great friends along the way. Incredibly grateful to everyone who have always been there to support me, most especially my parents… This is for you,” ayon kay Robles sa kanyang Face­book post. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy