Una sa Balita

Pinatay ni BFF

0 344

PATAY sa unang araw ng taon ang isang truck hel­per makaraang saksakin ng galit na construction worker sa hindi malamang dahilan, kamaka­lawa nang umaga sa Pasig City.

Batay sa report, naganap ang insidente bandang alas-9:30 kamakalawa nang umaga sa No. 296 Masinop Compound, Brgy. Santolan, Pasig City habang nakaupo sa labas ng bahay ang biktima na si Dioscoro Gabriel y Villarosa, 39-anyos, truck helper .

Ayon sa kapatid na si Gemma La Madrid, nasa labas lang ng bahay ang kanyang kuya nang biglang dumating ang suspek na si Renan Bala­sabas y Abad, 30, construction worker, residente ng Pasig City at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang kapatid.

Nagulat lamang sila sa ginawa ng suspek na kaibigan umano ng biktima kaya hindi nila inakala na may gagawing masama ang suspek sa kapatid.

Wala naman umano silang alam na dahilan para patayin nito ang biktima.

Agad na dinala sa St. Camillus Hospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ayon kay Dr. Shimora Eireen Pasella.

Mabilis namang rumesponde ang mga pulis at nadakip ang suspek na papatakas na sana. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy