Una sa Balita

Pinas umalma sa missile ng Nokor

By
0 177

Kinondena ng Pilipinas ang pagpapakawala ng bansang North Korea ng isang missile mula sa east coast ng naturang bansa na bumagsak hindi kalayuan sa Sea of Japan.

Sa inilabas na kalatas ng Department of Foreign Affairs (DFA) hindi umano katanggap-tanggap ang ginawang pagpapalipad ng Democratic People’s Republic of Korea (DPRK) ng Musudan intermediate-range missile noong nakaraang Hunyo 22 ng taong kasalukuyan.

Paliwanag pa ng DFA na ang ginawa ng North Korea ay seryosong pag­labag sa resolusyon ng United Nations Security Council.

“The Philippines strongly urges the DPRK to com­ply fully with its obligations under these reso­lutions and immediately suspend all its nuclear and ballistic missile programs,” ayon sa kalatas ng DFA.

Magugunitang nagpakawala ang Pyongyang ng ikalimang beses na missile ngunit pumalpak ito.

Ang Musudan missile ay mayroong range na 2,500 hanggang 4,000 kilometers at may bigat na aabot sa 1,000 hanggang 1,250 at maaaring makaapekto ang nuclear reactor nito na umabot hanggang Japan, Guam, Pilipinas at sa ilang bahagi ng China at sa Southeast Asia.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More