Una sa Balita

‘Pinas tumukod sa deal ng Amerika at Nokor

By
0 1,205

Isa ang Pilipinas sa mga natuwa sa pagkakasundo nina United States President Donal­d Trump at North Korean President Kim Jong-un sa ginanap na summit sa Singapore.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang makasaysayang kaganapan sa pagitan ng dala­wang lider ang magi­ging daan para sa inaasam na kapa­yapaan, seguridad at katatagan sa rehiyong Asya at sa buong mundo.

“We welcome the landmark summit betwee­n US President Donald Trump and DPRK leader Kim Jong-un in Singapore.

“This development, which has underscored in the strongest terms the value of diplomacy and peaceful dialogue, augurs well for the peace, security and stability in the region and the world,” ani Roque.

Matatandaang na­ging urong-sulong ang planong pulong nina Trump at Kim suba­lit natuloy din sa Singapore, at nagkasundong ilalarga ang denuclearization sa mga armas ng North Korea.

Sinabi ni Roque na magiging bahagi na ng kasaysayan ng mundo ang matagumpay na pulong ng dalawang lider at simula ng proseso tungo sa kapayapaan.

Handa aniya ang Pilipinas na ibigay ang suporta para sa ikatatagumpay ng ka­payapaan sa mundo.

“History has indeed been written. At the same time, this is but the beginning of a process. The Phi­lippines is ready and willing to lend its support toward bringing it to fruition,” dagdag pa ni Roque.