Una sa Balita

‘Pinas top polluter ng plastik

0 174

Nanawagan si Department of Environment and Natural resources (DENR) Secretary Roy A. Cimatu na labanan at tulong-tulong na magsagawa ng aksiyon laban sa marine plastic pollution sa bansa.

Kasunod ito ng ginanap na pagpupulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Ministerial Roundtable Discussion on Clean Air, Health and Climate sa Makati City.

Pinaalalahanan ni Cimatu ang mga environment minister na huwag kalimutang pag-ukulan ng pansin ang kritikal na isyu ng marine plastic pollution.

Napag-alman na lima sa ASEAN member state ang pinagmumulan ng plastic pollution sa mga karagatan sa buong mundo na siya ring may pinakamataas na marine plastic litter concentration.

Batay sa Science magazine noong 2015, kabilang sa mga bansang tinawag na world’s worst plastic polluter ay ang Indonesia, Vietnam, Thailand, Malaysia at ang Pilipinas.

Sabi ni Cimatu, kinakailangang magkaroon ng pagtutulungan at agarang solusyon ang rehiyon upang matugunan ang marine plastic sapagkat mayaman ang ASEAN region sa marine biodiversity bukod pa sa pagkakaroon nito ng strategic maritime zone.

Nangako naman ang mga environment minister at senior official ng ASEAN member states na palalakasin nila ang mga initiatives upang mabigyan ng solusyon ang patuloy na paglala ng air pollution upang mapigilan ang pagtaas ng temperature sa taong 2050.

Sa pamamagitan nito ay mapapabuti ang kondisyon ng hangin at mapipigilan ang mga premature death at pagkasira ng mga pananim kada taon. (Riz Dominguez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy