Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinas, top 3 sa dami ng napatay na environmentalist

0 15

Pangatlo ang Pilipinas sa bilang ng mga tagapagtanggol sa kapaligiran na napatay noong nakaraang taon kumpara sa ibang mga bansa, ayon sa ulat ng human rights organization na Global Witness.

Sa ulat noong Setyembre 13, sinabi ng grupo na 29 sa environmental defenders ang napatay sa Pilipinas noong 2020. Nakapagtala ang Colombia ng 65 pagkamatay, at 30 sa Mexico.

Sinabi ng Global Witness base na rin sa kanilang datos, mahigit sa kalahati ng nakamamatay na pag-atake laban sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao sa Pilipinas ay direktang naiugnay sa kanilang pagtutol sa mga proyekto sa pagmimina, pagtotroso at dam.

Ayon sa grupo kapansin pansin sa mga taong panunungkulan ni Pangulong Duterte ang pagtaas ng karahasan laban sa mga tagapagtanggol. Mula sa kanyang pagkakahalal noong 2016 hanggang sa katapusan ng 2020, 166 na land at environment defenders ang napatay. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.